Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


drunken_angel 38F
455 posts
6/2/2005 2:05 am

Last Read:
3/5/2006 9:28 pm

Ang aking liham...

Mama Ivy,
Kamusta ka na? Marahil nagulat ka at ako ay napasulat sa iyo.

Tumawag ako kanina mga bandang alas-2 y medya, ngunit ikaw daw ay lumiban sa iyong trabaho ayon sa babaeng nakasagot ng telepono.

Nag-alala ako ng husto, napa-isip, alam ko na kahit masama ang iyong pakiramdam, pumapasok ka, Marahil nga ay iba ang dahilan kung gayon na lamang at pagliban mo. Iniisip kong ibang sakit ang iyong nararamdaman, iyon bang tipong hindi ka makabangon at masamang -masama ang pakiramdam mo. Ngunit, maaring hindi rin ganoon ang rason, siguro nga ay may problema ka, parang naramdaman ko ng nakausap kita na may bumabagabag sa iyo. Na parang hindi ka masaya. Na para bang iiyak ka.

Marahil nga ay masyado kong inisip ang sarili ko at hindi man lamang kita naisip, kung ano ba ang bumabagabag sa iyo. Kung ano ba ang mabigat sa iyong puso na hindi mo na makaya. Sana, naitanong ko man lamang sa iyo kung "ayos ka lang ba?"

Nag-alala talaga ako, sayang, di pa naman ako pumasok ngayon sa aking eskwelahan, mano naman kasi, umagang-umaga, bumuhos ang malakas na ulan. Mas masarap ata ang matulog kesa makinig sa klase na wala naman talagang patutunguhan, ano ba naman ang habol ng isang mag-aaral sa paaralan? di ba ang diploma? marahil, may matutunan ka, ngunit ang mga guro marahil, pera ang nasa mata habang nagtuturo, siguro habang nakatingin siya sa aming mga estudyante tingin niya sa mukha namin ay 500, o kaya 100, puedenng 50 lang, puede ring mukhang barya. Hahaha ( tawa pa, cge, tumawa ka ) Matinding pag-iisip ang katumbas nitong liham kong ito. Di pa nga ako sigurado kung tama ba, pero di bale na, ang mahalaga, naipahiwatig ko ang nais ko ipahiwatig sa simpleng paraan.

Minsan ang buhay kwela, may nakakabaliw na yugto, meron namang sobra na sa drama, mano bang ngayon ikaw ay tatawa, bukas naman parang kang sira at namugmugto na ang mata sa kaiiyak, pakiramdam ko ang buhay ay isang laruan, kung nais nito na ikaw ay paiyakin, pagaganahin ka nito at paiiyakin, pag bigla nitong gustong ikaw ay tumawa, bigla tatawa ka, lahat ata' ng tao baliw. Hindi na ako naniniwala na ang tao ay normal, nababaliw lang ito kung ito ay nakaranas ng matinding sakuna na nakaapekto ng kanyang pag-iisip. Ang alam ko lang, lahat ng tao simula ng ipinanganak ay baliw. Ahhh, ako ay baliw, baliw sa lahat ng bagay..

Baliw na umiibig, baliw na estudyante, baliw na kaibigan, baliw na mamayan ng bansang ito, baliw na sumasampalataya... oo, baliw ako. Eh ano naman? hindi naman masama maging baliw di bah? kailan ba naging mababang uri ng tao ang isang baliw? Hindi ba't pag ikaw ay baliw, ibig sabihin isa kang rason sa mundong ito, lahat ng gawin mo ay tama, dahil ikaw ay wala sa katinuan, kaya tama lang na baliw ako...

Ikaw, baliw ka rin ba?

Ito ay hindi isang sentimyento ng isang simpleng tao lang, espesyal ako, baliw ako eh. Pero di nga?
Ayos ka lang ba talaga? o baka nababaliw ka na rin?

Sabihin mo lang, maiintindihan ko, kasi normal tayo. Basta, ano man ang problema, di ako makikinig, ayokong makinig.. dahil lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng bawat isa ay isang laro. Laro ng baliw.

Ang Baliw. * bow*

May

P.S.

Mahal kita kaibigan.. ano man ang laro ng buhay, nandito ako para sa'yo. Handang magpakabaliw para lang may kasama ka.

Mahal mo rin ba ako? o baliw ka ring katulad ko?


drunken_angel 38F
430 posts
6/5/2005 3:52 am

haayy walang baliw... akolang ata.. kasi walang nag comment dito.. hihiii