Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


_NeSToR1020_ 57M
73 posts
3/8/2015 11:45 pm

Last Read:
7/8/2015 10:23 pm

minsan


Minsan sa buhay, ang daming choices
pero hindi mo alam kung anong pipiliin
mo. Pero minsan naman dalawa lang
ang pagpipilian pero grabe kahirap
mag-decide. Bilang tao kasi, gusto
natin makuha at matamo ang lahat ng bagay na makakapagpaligaya sa atin.
Subalit ang buhay ay hindi laging patas.
Kaya nga sabi nila, you can't have your
cake and eat it too. We simply just can't
have everything. Maaari nating makuha
ang lahat ng gusto natin pero hindi sabay-sabay. Paisa-isa lang. So anyway
on this note, naisip ko ang mga
sumusunod na bagay na madalas
nating itanong sa ating mga sarili. •Anong mas gusto mo, mag-alaga o
alagaan?
• Anong mas gusto mo, iyong mas
mahal mo o mas mahal ka?
• Anong mas gusto mo, mahabang
buhay o masarap na buhay? • Anong mas gusto mo, mataba ka at
maligaya o payat (sexy/macho) pero
malungkot?
• Anong mas gusto mo, pangit pero
nakakatawa o guwapo pero boring? Hindi masamang lumigaya o gustuhing
lumigaya. Ang tanong lang ay paano
ito makakamtan. Mahirap mamili lalo na
kung lahat ay gusto mo. But I think it
can be easier if we know our desires
and priorities in life at its particular points. Halimbawa, kung bata ka pa, ang dapat
mong ginagawa bukod sa mag-aral ay
mag-enjoy. Magkaroon ng mga
kaibigan, lumabas at danasin ang
buhay. Kapag naman nagtatrabaho ka
na, magshishift ito ng kaunti dahil mas kailangan mong bigyan ng pansin at
oras ang pagtatrabaho, kasama na
riyan ang pag-iipon para sa
kinabukasan mo. Kapag naman stable
na ang trabaho mo, pwede ka na rin
magseryoso sa pagkakaroon ng boyfriend or girlfriend na siyang
maaaring pangmatagalan na, na maaari
mo nang pakasalan. At once
magdecide kang i-pursue ang isang
tao. Kailangan mong tanungin ang
sarili mo kung handa ka na bang i-give up ang nightlife, ang paggigimmick
hanggang sa pumutok ang araw at
harapin ang responsibilidad ng
pagkakaroon ng may-bahay. Kapag
naman nag-asawa ka na, kaagad mo
bang igi-give up ang "alone time" niyong mag-asawa para magkaroon
ng mga anak o eenjoyin niyo muna
ang company ng isa't isa na kayong
dalawa lang. O kaya naman kapag
nagasawa ka na at babae ka, titigil ka
ba sa pagtatrabaho, kung halimbawa, hilingin ng asawa mo? Pag nagkaanak
ka naman, paano mo sila palalakihin?
Magiging strikto ka ba para hindi
lumaking suwail ang anak mo o hindi
mo sila paghihigpitan kasi alam mong
habang sinasakal ay mas kakawala at magrerebelde sila? Masarap pero mahirap ang buhay. Pero
sa tingin ko lang ay dapat alam natin
ang gusto natin. Know what you want
in life. Know your priorities and you
wont get lost. You wont even have a
hard time choosing...

Bizzysback 63F
990 posts
3/10/2015 8:48 pm

Just follow what your heart says , kung saan ka masaya dun ka pumunta kasi minsan, minsan lang yan darating. Regrets are often on what you have not done than what you have done minsan.

“Use the quotation for the occasion; do not make an occasion for the quotation.”