Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


dindin89 34F
0 posts
2/16/2011 10:06 am
go ahead and leave


Naisip mo na bang mabuhay na ikaw lang? Yun bang hndi kana nanghihingi ng pera sa parents mo para may pang load ka sa cp mo. Yun bang hindi kana gigising sa umaga dahil sa sermon ng magulang mo. Kung uuwi ka ng medaling araw galing gimik di ka kakabahan kasi walang magagalit. Makakaalis ka kung kalian mo gusto. Sarap isipin ng ganung buhay, free ka kung ano mang gawin mo.
Pero natanung nyu na rin bas a sarili nyu na “KAYA KO BA?”. Kaya mo bang tutustusan mga gimik mo? Mga lohu mo sa katawan? Ano kaya kakainin mo? Saan ka maghahanap ng pera? And the worst is saan ka titira?
Oh siya.. sabihin na nating may mga kaibigan ka, handa kang patirahin sa bahay nila, pero hanggang kalian? 1 week? 1 month? Pinaka matagal na siguro yung 1month…ui pre mahiya ka naman hindi bahay ampunan bahay ng friend mo. Oo nga maghahanap ka ng work, pag nagka work ka aalis kana sa bahay ng friend mo mangungupahan kana. Mahal bayad sa upa ngayun. Sahud mo isang buwan pagkakasyahin mo sa bayad sa bahay, pagkain sa araw araw, mga kakailanganin,(sabon, toothpaste, shampoo) sa tingin mo magkakasya sahud mo? May pamasahi pa pala papuntang work. Sigurado naman na hindi kalakihan ang sahud sa isang baguhan diba?
Or nag-offer BF mo na dun ka nalang sa kanila tumuloy, ikaw naman dahil nabulag sa pagmamahal go agad. Pagkatapus ng ilang gabing sarap ayun nabuo si junior. Ano gagawin mo ngayun? Buti sana kung responsible si bf, may stable job. Paano kung wala? Aasa lang din sa magulang?
Sige ipalagay na nating may work si bf mo. Ang saya nyu kasi magiging magulang na kayu. Si bf mo nag painum pa kasi magiging tatay na ( napatunayang hindi baog ang kumag D) Hindi man lang inisip ang malaking responsibilidad na gagampanan nya. Ang pambili ng gamit ni baby, mga bagong gamit ni mommy (syempre kailangan bago, alangan nmn pasu-utin mo pa pantaloon asawa mo syempre din a mgkakasya yun). Vitamins ni mommy, check-up sa OB. Dagdag gastusin diba? Magtatabi ka pa para sa pangangailangan ni misis. Sa tingin mo mag kakasya pa sahud mo sa isang buwan?
Ngayun maglalayas ka pa?
Maswerte ka kasi nandiyan mga magulang mo handing sumuporta sayu. Wag kang magmadaling umalis sa bahay nyu at tumayu sa sarili mong mga paa kasi mapipilayan ka lang. hintayin mong kusa kang bibitawan ng mga magulang mo dahil sa pagkakataong yan sigurado , kaya mo ng maglakad mag-isa.
There is a right time for everything.