Reset Password
Reset Link Sent
Blogs > asheraphils27 > My Blog |
Pagkakaiba ng Noon at Ngayon NOON: Ang presidential pardon hinihiling sa pangulo NGAYON: Ang presidential pardon iniaalok ng pangulo NOON: Ang nahatulang kriminal diretso sa Bilibid NGAYON: Ang nahatulang kriminal diretso sa rest house NOON: Ang Christmas gift, masayang ibinibigay sa mga bata NGAYON: Ang Christmas gift, palihim na ibinibigay sa matatanda (governors and congressmen ang tawag sa kanila) NOON: Sa lalawigan, ang bulkan sumasabog NGAYON: Sa siyudad, ang mall sumasabog NOON: Kapag may sumabog na bomba, dagsa ang aktibista sa kalsada NGAYON: Kapag may sumabog na bomba, deadma! Dagsa ang tao sa Mall of Asia! May 3-day sale! NOON: Ang opisyal ng Comelec, sinusuhulan NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nanunuhol NOON: Ang opisyal ng Comelec nagbibilang ng boto NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nagbibilang ng balato NOON: Ang presidente… kinatatakutan, iginagalang at minamahal NGAYON: Ang presidente… kinatatakutan NOON: Ang First Lady… either “sobrang kinasusuklaman” or “sobrang minamahal” NGAYON: Ang First Gentleman… !*#%(*&@j?Y%$#*8$#9o{x%$#$@B!! NOON: Kapag namatay ang pangulo, pinapalitan ng pangalawang pangulo NGAYON: Kapag namatay ang pangulo… snap elections na lang! NOON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, naliliwanagan NGAYON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, nagagalit, gustong sumama sa rally NOON: Naging uso - sari-saring produkto may lycopene NGAYON: Usong-uso - sari-saring produkto, may formalin NOON: Ang pulis, sumbungan ng mga biktima ng krimen NGAYON: Ang pulis, isinusumbong ng mga biktima ng krimen NOON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino NGAYON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino ‒ ang referee NOON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa baha” NGAYON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa billboard” NOON: Kapag ang dalawang matinee idol na-chismis na bakla, asahan mo… promo lang ‘yan sa pelikula NGAYON: Kapag ang dalawang matinee idol na-chismis na bakla, asahan mo… totoo! (Hello Lolit Solis!) Source: Professional Heckler |
×
×