Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


asheraphils 44F
6 posts
10/25/2007 7:20 am
Ang Pagkakaiba Noon at Ngayon

NOON: Ang presidential pardon hinihiling sa pangulo
NGAYON: Ang presidential pardon iniaalok ng pangulo

NOON: Ang nahatulang kriminal diretso sa Bilibid
NGAYON: Ang nahatulang kriminal diretso sa rest house

NOON: Ang Christmas gift, masayang ibinibigay sa mga bata
NGAYON: Ang Christmas gift, palihim na ibinibigay sa matatanda (governors and congressmen ang tawag sa kanila)

NOON: Sa lalawigan, ang bulkan sumasabog
NGAYON: Sa siyudad, ang mall sumasabog

NOON: Kapag may sumabog na bomba, dagsa ang aktibista sa kalsada
NGAYON: Kapag may sumabog na bomba, deadma! Dagsa ang tao sa Mall of Asia! May 3-day sale!

NOON: Ang opisyal ng Comelec, sinusuhulan
NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nanunuhol

NOON: Ang opisyal ng Comelec nagbibilang ng boto
NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nagbibilang ng balato

NOON: Ang presidente… kinatatakutan, iginagalang at minamahal
NGAYON: Ang presidente… kinatatakutan

NOON: Ang First Lady… either “sobrang kinasusuklaman” or “sobrang minamahal”
NGAYON: Ang First Gentleman… !*#%(*&@j?Y%$#*8$#9o{x%$#$@B!!

NOON: Kapag namatay ang pangulo, pinapalitan ng pangalawang pangulo
NGAYON: Kapag namatay ang pangulo… snap elections na lang!

NOON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, naliliwanagan
NGAYON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, nagagalit, gustong sumama sa rally

NOON: Naging uso - sari-saring produkto may lycopene
NGAYON: Usong-uso - sari-saring produkto, may formalin

NOON: Ang pulis, sumbungan ng mga biktima ng krimen
NGAYON: Ang pulis, isinusumbong ng mga biktima ng krimen

NOON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino
NGAYON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino ‒ ang referee

NOON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa baha”
NGAYON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa billboard”

NOON: Kapag ang dalawang matinee idol na-chismis na bakla, asahan mo… promo lang ‘yan sa pelikula
NGAYON: Kapag ang dalawang matinee idol na-chismis na bakla, asahan mo… totoo! (Hello Lolit Solis!)

Source: Professional Heckler