|
dasal
|
Nov 29, 2005 7:14 am
206 Views
|
 dasal
Malamig na ang simo’y ng hangin, Na nanunuot sa puso kung tigang sa yong pagmamahal, Mga dahong naglalaglagan, Katumbas ng mga araw ng aking pangungulila, Sasapit na ang pasko, ngunit sadyang mailap ang tadhana, Tanging dasal ko lamang, ay makapiling ka sa Paskong darating.
el condor
|
|
|
1
comment
|
|
|
pangungulila
|
Nov 27, 2005 5:36 pm
204 Views
|
 pangungulila
Galak at tuwa, tuwing ikaw ay makikita, Lumbay at pagod ko ay napapawi, Kahit larawan mo lang ang aking munting alaala, Ay lubos ang aking kaligayahan, at kagalakan,
Marinig lang ang iyong tinig, tuwa ng puso’y naguumapaw, Ang iyong mga liham, na puno ng pagmamahal, Ngunit may panahong ako ay nangungulila, Sa araw at gabi na wala ka, ay parang dinudurog ang aking puso,
Sabik na madama ang init ng iyong mga yakap, At mahagkan ang iyong mga matatamis na labi, Kahit sa panaginip ay ikaw ang aking pinapangarap, Makatagpo ka, at magkasama sa buong magdamag,
Ilang unos man ang aking tahakin, Aking ipaglalaban ang wagas kung pagibig.
el condor
|
|
|
1
comment
|
|
|
sabik
|
Nov 26, 2005 10:40 pm
212 Views
|
 Hindi makatulog ng kakaisip sa iyo, Nanabik na ikaw ay makita at makapiling, Hangang kailan ang aking pagtitiis, Ng pusong sabik sa yong pagmamahal.
el condor
|
|
|
0
Comments
|
|
|
sa muling pagkakataon
|
Nov 26, 2005 8:21 pm
278 Views
|
 sa muling pagkakataon
Umaga na naman, panibagong simula, Panibagong pakikibaka, sa masalimuot na buhay, Buhay na puno ng hirap at kalungkutan, Buhay na walang saysay at walang pag-asa,
Ganyan ang aking daigdig ng ikaw ay lumisan, Walang liwanag na natatanaw, madilim ang kapaligiran, Puro pighati ang kasama sa buong magdamag, Hirap at kalungkutan ang kakambal ng aking puso,
Ngunit ang hapdi at kirot ay biglang napawi, Tayo ay nagkita sa hindi inaasahang pagkakataon Sinalubong mo ako ng iyong mapang-akit na ngiti, At tayo’y naging sunod sunuran sa tibok ng ating puso,
Ibinalik natin ang kahapon, na puno ng pagmamahalan, At nadama, natin muli ang lubos na kapayapaan, At kaligayahang, nag uumapaw sa ating puso, Panalangin huwag na magkalayo mag-pakaylanman……..
el condor
|
|
|
3
Comments
|
|
|
bakit
|
Nov 25, 2005 8:39 am
207 Views
|
 bakit
Kay bilis ng araw ng kapiling ka, Kay bagal ng araw ng mawala ka, Kay saya at galak ng kapiling ka, Kay lungkot at pangungulila ng mawala ka.
Bakit kailangan mawala ka sa piling ko, Bakit dumating ka pa sa buhay ko, Bakit ba kita nakilala at nakaulayaw, Bakit tayo pinagtagpo ng tadhana,
Para ba ako’y masaktan o ikaw ang masaktan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ate, Ang alam ko lang ay, Ako’y umibig ng tapat sa yo, ate…
el condor
|
|
|
0
Comments
|
|
|
sayang
|
Nov 25, 2005 8:17 am
199 Views
|
 sayang
Kami’y nagkatagpo, nagkamustahan, nagkakilala ng lubos, Nagkausap, nagbiruan, nagtawanan, at naging malapit sa isat isa, Ngunit sa isang iglap, ay biglang nagbago ang panahon,
Dating magkaibigan, ngayon ay nagiiwasan, Lumipat ng tagpuan at ayaw ng maalala ang masasayang pinagsamahan, Pinilit kung sagipin ang aking mga kaibigan,
Ngunit sadyang sugat ay mahirap malunasan, Ako’y nanghihinayang sa aking mga kaibigan, Na ngayon ay nilisan ang magandang samahan.
el condor
|
|
|
0
Comments
|
|
|
tinig
|
Nov 24, 2005 7:22 am
215 Views
|
 tinig
Kay saya ng umaga, pag ikaw ay nasilayan Marinig ko lang ang iyong tinig, akoy maligaya na, Mga paalala na nakakabusog ng puso Mga usapang walang katapusan, na parang nasa alapaap,
Subalit lahat pala ay may hanganan, Kailangan magparaya sa iyong kaligayahan, Kahit masakit at laban sa kalooban, Kailangan gawin para sa yung kinabukasan,
Salamat kaibigan, sa panahon inukol mo sa akin, Panahon na akoy pinagkatiwalaan at binigyan pansin, Mga ngiti na nabanaag sa yong mga labi, Hindi makakalimutan magpakaylanman.
Patawad kaibigan sa mga dalamhati, Sinunod ko lamang tibok ng aking puso, Maging malakas at matatag ka sana, Sa ating paghihiwalay, taglay ko ang iyong puso.
Paalam kaibigan paalam, Sana’y makamtan mo ang tunay na kaligayan.
el condor
|
|
|
0
Comments
|
|
|
panaginip
|
Nov 23, 2005 8:28 am
201 Views
|
 panaginip
Akoy nanaginip, nakakilala ng isang dilag, Binibining mabait at kaakit-akit, Ngunit nang ako’y magising, ako’y namangha Ang panaginip pala’y isang katotohan,
Ako’y nagalak, sa katuparan ng isang panaginip, Panaginip na kay tagal ko ng inaasam, Kami’y nagkakilala ng lubos, at naging magkaibigan, At sandaling panahon naging malapit sa isat isa,
Sa laki ng takot na mawala ang kaibigan, Damdaming ibig ipahiwatig, kinimkim na lamang, Ngunit sadyang tukso ang tadhana, Damdaming kinukuyom, hindi na maikubli,
Ako’y nagtapat sa aking kaibigan, Kahit na mabali, pangakong sinumpaan, Laking kagalakan ako’y iyong inunawa, Tinugon ang damdaming, kay tagal ko ng kinimkim.
Salamat kaibigan sa iyong tiwala, Tiwala aking pagyayamanin at aarugain.
el condor
|
|
|
0
Comments
|
|
|
SA AKING PAGLALAKBAY
|
Nov 22, 2005 7:53 pm
202 Views
|
 Sa Aking Paglalakbay
Sa aking paglalakbay marami akong nakita, Masayang magkaibigan ay nagtatawanan, Matagal na hindi nagkita, ay nagbabatian, Naghahanap ng kaibigan, yun pala ay ka ibigan,
May humihingi ng payo, sa ibat ibang paksa, Nagpapalitan ng kuro-kuro kahit hindi magkakilala, Hangang magbiruan at nagkapikunan, Nauwi sa tampuhan, at hindi pagkakaunawaan,
Kalalakihang palabiro, meron din namang maginoo, Kadalagahang magaganda at malalambing, Ibat ibang pangalan, sadyang nakakatawa, Dala lamang siguro ng kanilang sariling imahinasyon.
Sa paglalakbay kung ito, hindi ko makakalimutan, Mga bagay bagay na aking nakita, At muling maglalakbay at makikipag sapalaran, Upang makakita ng isang tunay na kaibigan.
el condor
|
|
|
0
Comments
|
|
To link to this blog (el_condor) use [blog el_condor] in your messages.
|
|
|
| Sun |
Mon |
Tue |
Wed |
Thu |
Fri |
Sat |
1
|
2
|
3
|
4
|
5
|
6
|
7
|
8
|
9
|
10
|
11
|
12
|
13
|
14
|
15
|
16
|
17
|
18
|
19
|
20
|
21
|
22
|
231
|
24
|
25
|
261
|
27
|
28
|
29
|
30
|
31
|
|
|
|
|
| luv_a_fair | 40 | F | 5/5 |
| mydestiny718 | 37 | F | 12/2 |
| jade6 | 35 | F | 11/30 |
| road_trekker | 41 | M | 11/30 |
| supergirl_2005 | 33 | F | 11/30 |
| kikay_25 | 29 | F | 11/30 |
| awful63 | 46 | F | 11/30 |
| fantasyworld | 33 | M | 11/29 |
| JELICAMOR10 | 32 | F | 9/21 |
| sexyhot2005 | 33 | F | 9/15 |
|