The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > el_condor > sa aking paglipad...
sa aking paglipad...
 
MGA MUTA SA AKING PANINGIN...
Title View |
tanging kaibigan Jan 31, 2006 8:33 pm
Mood: happy, 372 Views

tanging kaibigan

laking kalungkutan ng ikaw ay mawala,
nagluksa ang puso, ng ako’y iyong lisanin,
halos mabaliw, sa kakaisip sa yo,
pag-ibig kung dalisay, naging galit sa mundo,

sa buwan na lumipas, ito ang aking damdamin,
mahirap iwaksi, ang bakas ng nakaraan,
isang anino, nakasunod kahit saan ka magtungo,
hangang panaginip ikaw pa rin ang kapiling,

nguni’t sa tulong ng mga kaibigan,
kalungkutan ay unti-unting napawi,
pinatatawa kahi’t puso’y umiiyak,
payo na nagbigay lakas at liwanag sa gulong isip,

maraming salamat mga kaibigan,
sa panahong inukol ninyo, maraming salamat,
kayo ay bukod tanging kaibigan.

el_condor

01-31-06
0 Comments
kaibigan ko’y umiibig Jan 17, 2006 8:50 am
Mood: grateful, 409 Views

kaibigan ko’y umiibig

kaibigan, banaag ko ang ningning ng yung mga mata,
matatamis na ngiti, namumutawi sa iyong mga labi,
saya ng mukha, tagos sa iyong puso,
galaw ng katawan, ay para kang nasa alapaap,

bawat sambit ng pangalan niya, ikaw ay nasa langit,
palaso ni kupido, tumarak sa iyong puso,
sana’y maging katotothan, pinagtagpi-tagpi mong pangarap,
lubos na kaligayahan, iyong makamtan,

ako’y naliligayahan, kaibigan ko’y umiibig
tanging dasal ko lamang, ikaw ay lumigaya,
at patnubayan ka nawa ng Poong Maykapal…

el condor

1-15-06
1 comment
Gising, Bayan Ko Jan 16, 2006 5:26 pm
Mood: frustrated, 321 Views

Gising, Bayan Ko

Isang bansa, hati hating isla
Madaming kultura, mukhang kinalimutan,
Madaming wika, hindi magkaintindihan,
Kaya mamamayan, walang pakialam sa bawat isa

Madaming mamamayan, kulang sa kaalaman
matalinong naturingan, ngunit ganid at sakim sa kapangyarihan
Mabait kung may kailangan, mabangis pa sa hayop pag napaunlakan
Nag papasasa sa kamamangan ng mamamayan

Mayaman sa likas na yaman, baon sa utang
Mahirap lalong humihirap, kaya lumilisan at nagingibang bayan
Inaasam na pagbabago, mithi ng lahat
Bayan ko, kailan ka magigising, sa iyong pagkakahimbing.

el condor

9-26-05
0 Comments
ibon Jan 9, 2006 5:40 am
Mood: disappointed, 438 Views

ibon

Ibon nakapiit sa rehas na bakal, ibig makalaya,
Makipag sapalaran muli, sa masukal na gubat,
Liliparin, ang magulong kalawakan,
Upang hanapin, kaligayahang pinagkait,

Lumipad ng kay taas, lumipad ng kay baba,
Subalit, sadyang mapagbiro ang tadhana,
Mga mapaglarong kalooban, siyang naka salamuha,
Hindi mo matiyak, kung sila ay totoo,

Pagal na kalooban siyang naramdaman,
Litong isip, ibig ipahinga,
Doon sa dating pugad, siya’y babalik,
Doon mag-papahilom, mga sugat ng puso.

el condor

01-08-06
0 Comments
bulaklak Dec 29, 2005 2:26 am
344 Views

bulaklak

ikaw ay natatangi sa hardin ng bulaklak,
kay ganda ng anyo, bango’y humahalimuyak,
mapupulang talulot, ako’y nabighani,
kaya hindi ako nag-atubili, ikaw ay aking nilinang,

sa iyong pag-yabong marami ang nag-nasa,
ibig pitasin taglay mong kagandahan,
ako’y nabalisa, ngunit naging maagap,
binantayan upang mapanatili iyong ganda,

sa hamon ng kalikasan, pilit na tumatayo,
mga dahon naglaglagan, ay muling uusbong,
sa takdang panahon ikaw ay yayabong,
magbibigay ganda muli, sa hardin ng bulaklak.

el condor

12-28-05
0 Comments
bagong pag-asa Dec 22, 2005 6:52 pm
Mood: grateful, 447 Views

bagong pag-asa

Mga bituin ang nagbibigay liwanag sa aking isip,
Mga kuliglig ang tanging musika sa katahimikan,
Sa bawat hampas ng alon, ay parang hinahagupit ang aking puso,
Tanging ang simoy ng hangin, ang kapiling sa kadiliman,

Sa bawat araw na lumipas, ay pawang walang pag-babago,
Hangang dininig, ang aking panalangin,
tayo’y muling nagkita, at ikaw ay nagtapat,
Doon ko naunawaan, mga sagot sa aking mga katanungan,

Anino ng nakaraan, tinapon sa pusod ng karagatan,
Tanikala sa puso ay kusang nalansag,
ginhawa ng kalooban, ay siyang nadarama,
puno ng pag-asa, ang bukas na haharapin…

el condor

12-23-05
1 comment
mapaglarong pag-ibig Dec 22, 2005 2:45 am
263 Views

mapaglarong pag-ibig

ako’y umibig ng tapat, ginalang ko ng tunay,
sinamba ko siya na parang diyosa,
naging tapat ako sa lahat ng bagay,
ngunit hindi naging sapat, at ako’y naging katawa-tawa,

ako’y iniwan ng aking pinakamamahal,
hindi ko lubos maisip, kung ano ang dahilan,
ang tanging alam ko lang, ako’y umibig ng tapat,
at handa ko siyang pakasalan sa lahat ng simbahan,

aking napagalaman na sumama ka sa iba,
mga kaibigan natin, sila'y nagtaka,
Ganito ba talaga, ka hiwaga ang pag-ibig,
O baka naman, ako’y biktima ng isang mapaglarong pag-ibig…

el condor

12-22-05
0 Comments
tanong Dec 16, 2005 1:28 am
285 Views

tanong

ngayon ako’y malaya ng lumipad at maglakbay,
nag-iisang hinahanap ang panibagong buhay,
ngunit sa aking pag-iisa, bumabalik ang aking nakaraan,
parang isang aninong sunod ng sunod,

pilit hinahanap ang mga kasagutan,
sa mga tanong na pawang walang kasagutan,
kay hirap iwaksi, kay hirap isipin,
sadyang hapo na ang isip at puso.

kailan ko kaya malalaman,
mga kasagutan, sa aking mga katanungan…

el condor

12-14-05
2 Comments
kaibigan Dec 14, 2005 6:21 am
270 Views

kaibigan
apo hiking society

kaibigan,
tila yata matamlay ang iyong pakiramdam
at ang ulo mo, sa kakaiisip ay tila naguguluhan,
kung ang problema mo o suliranin, ay lagi mong didibdibin,
at tatanda kang bigla pag tumulo ang luha,
at hahaba ang mukha, at ikaw ang siyang kawawa,

iniwanan ka,
ng minamahal mo
sa buhay mo at nabigla
sinamba mo siya,
binigyan mo ng lahat at biglang nawala,
ang buhay mo alalahanin
at huwag naman maging maramdamin
at tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
at hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa,

kasama mo ako,
at kasama rin kita sa hirap at ginhawa,
ako’y kadamay mo at may dalang pag-asa
limutin siya, limutin siya
marami, marami pang iba

kaibigan,
kalimutan mo na lang ang nakalipas,
kung nasilaw, siya napasama, sa ibat naba ibang landas
marami pang malalapitan,
mababait at hindi naman pihikan
at tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
at hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

kasama mo ako,
at kasama rin kita sa hirap at ginhawa,
ako’y kadamay mo at may dalang pag-asa
limutin siya, limutin siya
marami, pang iba

kaibigan,
kalimutan mo na lang ang nakalipas,
kung nasilaw, siya napasama, sa ibat naba ibang landas
marami pang malalapitan,
mababait at hindi naman pihikan
at tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
at hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa…

el condor

12-14-05
1 comment
salamat dakilang kaibigan Dec 13, 2005 6:28 pm
212 Views

salamat dakilang kaibigan,

kaibigan salamat kaibigan, sa yung pagmamalasakit,
mga walang katapusang pangaral , at sa iyong katapatan,
pag aruga sa akin, ng ako’y walang patutunguhan,
mga payo mung nagbigay, ng bagong pag-asa,

maraming salamat kaibigan,
isa kang tunay at dakilang kaibigan,
na dapat pamarisan ng lahat,
hindi kita malilimutan, hangang hukay, baon ko ang iyong alaala,

salamat muli kaibigan,
nawa’y pagpalain ka ng Poong Maykapal...

el condor

12-14-05
1 comment
1 2 3 4 5

To link to this blog (el_condor) use [blog el_condor] in your messages.

34 M
March 2009
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
1
 
2
 
3
 
4
 
5
 
6
 
7
 
8
 
9
 
10
 
11
 
12
 
13
 
14
 
15
 
16
 
17
 
18
 
19
 
20
 
21
 
22
 
23
1
24
 
25
 
26
1
27
 
28
 
29
 
30
 
31
 
       

Recent Visitors

Visitor Age Sex Date
luv_a_fair 40F5/5
mydestiny71837F12/2
jade635F11/30
road_trekker41M11/30
supergirl_200533F11/30
kikay_2529F11/30
awful6346F11/30
fantasyworld 33M11/29
JELICAMOR1032F9/21
sexyhot2005 33F9/15

Most Recent Comments by Others

Post Poster Post Date
"MULTO NG KALAWAKAN"kikay_25Nov 30 12:50 am
Matamis mong OOJELICAMOR10Sep 6 12:42 pm
Mahal na Kaibiganlotus2005Apr 15 8:27 pm
PAGSUBOKgravitykaApr 14 10:01 am
apoyCelia2005Feb 8 1:07 am
sa kabilugan ng buwanroad_trekkerJan 13 1:49 am
bagong pag-asacofradia34Dec 23 8:21 am
tanongcofradia34Dec 18 3:17 pm
kaibiganlotus2005Dec 14 5:40 pm
salamat dakilang kaibiganlotus2005Dec 13 8:43 pm
you give love a bad namecofradia34Dec 12 3:26 pm