The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > el_condor > sa aking paglipad...
sa aking paglipad...
 
MGA MUTA SA AKING PANINGIN...
Title View |
Matamis mong OO Sep 6, 2006 8:44 am
Mood: eager, 236 Views

Matamis mong OO

Ligaya ng puso pag ikaw ay nasilayan,
Halimuyak ng iyong bango'y gumigising sa aking kataohan,
Lamlam ng iyong mata'y, para akong tinutunaw,
Kailan ko kaya makakamtan ang matatamis mong OO.


el_condor
9-7-06
1 comment
KAILAN KAYA? Jul 19, 2006 6:35 am
Mood: frustrated, 226 Views

KAILAN KAYA?

Kay bagal ng iyong pag-unlad,
Parang pagong kung ikaw ay maglakad,
Kadalasan pa, paatras ang iyong galaw,
Parang kang tubig sa lawa, na hindi umaagos,

Maraming gustong maghari, ngunit pansarili ang nasa isip,
Magpayaman, kahit kababayan ay naghihirap at naghihikahos,
Mandirigmang bagong sibol, matapang, at maganda ang layunin,
Ngunit, pag magiting na bayani ang nag-usap,
Siguradong pati kaluluwa ay ipagbibili,

Bulok at mabahong sistema, kailangan daw baguhin,
Hindi kaya dapat, sila ang dapat baguhin,
Ngunit sadyang makapal ang balat ng kanilang mukha,
Pakuluan mo maghapon, matigas, at makunat pa rin,

Kailan ko kaya, makikitang ikaw ay maunlad,
Sadyang pagod na sa mahabang pag-aantay,
Huwag sanang dumating sa sukdulan, ang mga bagay-bagay,
Kapayapaan, pagmamahalan at kasaganahan lang ang aking inaasam.

el_condor

7-12-06
0 Comments
KAILAN KAYA? Jul 12, 2006 5:55 pm
Mood: bored, 109 Views

KAILAN KAYA?

Kay bagal ng iyong pag-unlad,
Parang pagong kung ikaw ay maglakad,
Kadalasan pa, paatras ang iyong galaw,
Parang kang tubig sa lawa, na hindi umaagos,


Maraming gustong maghari, ngunit pansarili ang nasa isip,
Magpayaman, kahit kababayan ay naghihirap at naghihikahos,
Mandirigmang bagong sibol, matapang, at maganda ang layunin,
Ngunit, pag magiting na bayani ang nag-usap,
Siguradong pati kaluluwa ay ipagbibili,


Bulok at mabahong sistema, kailangan daw baguhin,
Hindi kaya dapat, sila ang dapat baguhin,
Ngunit sadyang makapal ang balat ng kanilang mukha,
Pakuluan mo maghapon, matigas, at makunat pa rin,


Kailan ko kaya, makikitang ikaw ay maunlad,
Sadyang pagod na sa mahabang pag-aantay,
Huwag sanang dumating sa sukdulan, ang mga bagay-bagay,
Kapayapaan, pagmamahalan at kasaganahan lang ang aking inaasam.


el_condor

7-12-06
0 Comments
KUMATOK AT NAGPAKILALA Jun 25, 2006 6:22 am
Mood: happy, 126 Views

KUMATOK AT NAGPAKILALA

Unos na kay lakas, tahanan ibig wasakin,
Hagupit ng hangin, katawan ay nanlulumo,
Hampas ng alon, isip ay mababaliw,
Halos malunod, sa lakas ng agos,


Bawat araw na lumilipas, hindi na makaagapay,
Unti unting nanghihina, pilit pa paring lumalaban,
Humingi ng tulong, ngunit katiting ang naani,
Nawawalan ng pag-asa, ngunit hindi sumusuko,


Isang pagkakataon, Ikaw ay kumatok at nagpakilala,
Hindi ko akalain, ako pala’y Iyong dadalawin,
Sinagip sa pagkakalunod, at binuhat na parang bata,
At muling inakay, kahit kadalasan ay nakakalimut,


Dito ko nalamang, kay laki ng aking pagkukulang,
Dekadang lumipas, hindi lubos ang pagkakakilala,
Ngayon ko nalamang, malaki ng nawala sa aking buhay,
Ngunit hindi pa huli, upang ako’y maging isa mong tupa.


el_condor

06-25-06
0 Comments
Araw ng Kalayaan Jun 2, 2006 9:35 pm
138 Views
Nalalapit na Ang Araw ng Kalayaan. Ito'y isang pagunita sa mga ating bayani nag buwis ng buhay alang-alang sa ating Inang bayan, Pilipinas.

Ano ang inyong palagay, kung tawagin kayo ng pagkakataon na ipagtangol ang inyong lupang sinilangan?
Handa kung ipagtangol ang aking bansa, kahit buhay ko, ang kapalit.
Pag-iisipan ko pa, sa kana sa ibang pagkakataon.
Tignan mo na natin ang mga kaganapan, sa huli nalang tayo papasok sa eksena.
Wala tayong mapapala diyan, hayaan mo silang magpatayan, wala akong pakialam.
0 Comments
NAGISING SA KATOTOHANAN May 8, 2006 8:21 am
134 Views

nagising sa katotohanan

Galit ng puso, parating nag-aalab,
Maliliit na bagay, binibigyan lahat ng kahulugan,
Hindi na sinusuri, kung ano ang pinagmulan,
Ang alam ay magalit, at isisi sa iba,


Hangang magising ako, sa isang katotohanan,
Kabiyak at mga supling, mailap pa sa hayop,
Galit at tampo ang nangingibabaw, sa kanilang mga puso,
Tahanan dating kay saya, ngayon kalungkutan ang nadadama,


Kay hirap isipin kung saan ako nagkamali,
Walang ibang dapat sisihin, kundi ako lamang,
Sa aking pag-iisa, binuksan Mo aking mga mata,
Mga kamalian ko sa buhay, aking nalaman,
,

Sa maikling panahon ako’y iyong sinagot,
Saya at pagmamahalan, nanumbalik sa aking tahanan,
Kapayapaan at pagkakaintindihan ay muling nadama,
Salamat Panginoon, ako’y hindi mo binigo.


el condor

4-22-06
0 Comments
nagising sa katotohanan Apr 30, 2006 3:23 am
Mood: happy, 137 Views
nagising sa katotohanan

Galit ng puso, parating nag-aalab,
Maliliit na bagay, binibigyan ng mga kahulugan,
Hindi na sinusuri, kung ano ang pinagmulan,
Ang alam ay magalit, at isisi sa iba,


Hangang magising ako, sa isang katotohanan,
Kabiyak at mga supling, mailap pa sa hayop,
Galit at tampo ang nangingibabaw, sa kanilang puso,
Tahanan dating kay saya, ngayon kalungkutan ang nadadama,


Kay hirap isipin kung saan ako nagkamali,
Walang ibang dapat sisishin, kundi ako lamang,
Sa aking pag-iisa, binuksan Mo aking mga mata,
At pinagsisihan, ang aking pagkakamali
,

Sa maikling panahon ako’y iyong sinagot,
Saya at pagmamahalan, nanumbalik sa aking tahanan,
Kapayapaan at pagkakaintindihan ay muling nadama,
Salamat Panginoon, ako’y hindi mo binigo.


el condor

4-22-06
0 Comments
Mahal na Kaibigan Apr 15, 2006 7:39 am
Mood: thankful, 352 Views

Mahal na Kaibigan

Kaibigan, ikaw ay ka puri-puri,
Sakit ng aking ulo, ako’y iyong dinamayan,
Kahit malayo ka ay, dama ko ang iyong pagmamalasakit,
Mga paalala mo ay, naging gabay ng aking buhay,


Kabaitan mo kaibigan, ay walang kaparis,
Kalooban mong puno ng pagmamahal,
Muli akong nag papasalamat sa iyo, mahal na kaibigan,
Panginoon na lamang ang magpapabuya sa iyo.


el condor

4-15-06
2 Comments
PAGSUBOK Apr 14, 2006 6:55 am
Mood: grateful, 356 Views

Pagsubok

Mga karangyaang na tinatamasa, ikaw ay nabaliw,
Nakalimot, sa dapat bigyan ng papuri,
Hangang isang araw, ikaw ay nagulat,
Makulay, gintong kapaligiran, ito ay nagunaw,


Ngayon bumalik ka sa pag apak sa lupa,
Na dating kay tayog ng iyong pag lipad,
Sa iyong sinapit, huwag kang malungkot,
Maging masaya, dahil ikaw ay kanyang tinawag,


Pagsubok sa ating buhay, dapat nating ikagalak,
At gawin nating, isang kaibigan,
Ito ay paraan, ng ating mapagmahal na Panginoon,
Na maging katulad ng kayang Anak na si Jesus.


el condor

4-14-06
2 Comments
apoy Feb 6, 2006 11:08 pm
Mood: loved, 515 Views

apoy

naakit sa init, ng iyong mga yakap,
nagbigay kiliti, sa tigang kung katawan,
na gumising sa aking makamundong pagnanasa,

lagablab ng iyong matatamis na halik,
ay nagbibigay sabik sa aking pagkatao,
at tuwing mapapaso, ay pinanabikan kung,
marating, ang rurok ng mithing kaligayahan,

ngunit hindi ko namamalayan, dingas na aking nilalaro,
ay naging apoy, na sumisilab sa aking kaluluwa,
naakit, nabaliw, sa sarap na tinamasa,
sa makamundong kasalanan.

el_condor

02-04-06
2 Comments
1 2 3 4 5

To link to this blog (el_condor) use [blog el_condor] in your messages.

34 M
March 2009
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
1
 
2
 
3
 
4
 
5
 
6
 
7
 
8
 
9
 
10
 
11
 
12
 
13
 
14
 
15
 
16
 
17
 
18
 
19
 
20
 
21
 
22
 
23
1
24
 
25
 
26
1
27
 
28
 
29
 
30
 
31
 
       

Recent Visitors

Visitor Age Sex Date
luv_a_fair 40F5/5
mydestiny71837F12/2
jade635F11/30
road_trekker41M11/30
supergirl_200533F11/30
kikay_2529F11/30
awful6346F11/30
fantasyworld 33M11/29
JELICAMOR1032F9/21
sexyhot2005 33F9/15

Most Recent Comments by Others

Post Poster Post Date
"MULTO NG KALAWAKAN"kikay_25Nov 30 12:50 am
Matamis mong OOJELICAMOR10Sep 6 12:42 pm
Mahal na Kaibiganlotus2005Apr 15 8:27 pm
PAGSUBOKgravitykaApr 14 10:01 am
apoyCelia2005Feb 8 1:07 am
sa kabilugan ng buwanroad_trekkerJan 13 1:49 am
bagong pag-asacofradia34Dec 23 8:21 am
tanongcofradia34Dec 18 3:17 pm
kaibiganlotus2005Dec 14 5:40 pm
salamat dakilang kaibiganlotus2005Dec 13 8:43 pm
you give love a bad namecofradia34Dec 12 3:26 pm