Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


achmed_abo 50M
45 posts
11/4/2014 11:18 pm
Basketball = Basketbol-lahan


Bolang bilog aagawin,itatakbo idi dribol,
laro ng matatangkad,may katawang malulusog,
kapag ika'y isang lampa,waterboy man di uubra,
taga punas ka na lamang o kaya'y taga hila nitong silya

muntik naging larong pambansa dito sa Pilipinas,
mula nung Crispa days,di pa uso ang team Gilas,
Jawo'y naging institusyon ,number 7 sa basketbol,
sya ang pasimuno at nag pasigabong._

maraming seasons ang nag daan ,marami na ang sumikat,
mula Jawo at Jarencio may "flying A "pang katapat,
Haba Haba Abarientos,bansag sa mamang medyo pandak,
pag nag dribol nawawala ,kalaban ay nagugulat.

pinakamayaman itong kobe ,bryant ang apelyido ,
pinag aagawan liksi nya't talino,
meron pang lebron james,madlang paborito,
gumulantang kamakaylan.iskor todong todo.

ngunit dito sa bloglandia o kaya'y sa chit chat rum,
maraming marunong maglaro ng basketbol,
karamihan ay mga puti ,pinay nalululong,
pag pinay sinabihan,hi beautiful ,darling na kanyang itutugon

mga pinay naman madaling masaling,
madaling maniwala sa mga sinungaling,
sabihin ba namang.Visa mo mahal naka bimbin,
mag cam muna tayo aking ginigiliw.

lumipas ang araw buwan ang tinagal,
puti ay nagsawa sa kanyang minamahal,
bihira ng mag chat o mag basa man lang,
pobreng pinay ay nalungkot ang blog pinasukan.

dun sa blog ibinuhos ang kanyang hinanaing,
puso daw ay sugatan masakit pag nasaling,
araw araw nag luluksa ng kanyang dinidimdim,
tarbaho'y apektado na,langit nya daw ay kulimlim.

sa blog mo makikita mahuhusay sa basketbol(lahan)
tulad nitong isang blogger, handol me lock pang karugtong,
sa kanya daw ang babae 2 weeks lang mag hahabol,
oh dios ko! ano kaya pinakain nya at ang pinay nag kaganon.

minsan nagpaalam patay na daw ang mahal nya,
wala na daw silbi ang mag post at mang halina,
lipas ang sang buwan nag grand come back sya,
kanyang tema naman may bagong sinisinta.

meron naman isa me edad na babae,
edad yata nya para nang nasa goldie,
ngunit kung titingnan picture nya ay seksing seksi,
nag blog ng pag ibig tungkol sa kanyang sarile.

sya daw ay alipin pag ibig walang dumi,
langit ang katumbas pag sila'y nasa ere,
hanggang kelan mamumulat mga aba kong lipi,
silay nabobola mga basketbolista sa tabi tabi.

isa sa mahusay magbasketbol duon sa mga chat rum,
dito man sa blogland ang name nya ay dagundong,
mahilig mang husga ,mahilig mam buryong,
bola talaga ang hawak nya. ..Bolero ang handol.

bato bato sa langit tamaan wag magagalit,
akoy walang galit , tamaan man ng lintik,
itoy katuwaan lang at wag igigimik,
itoy lilipas din parang isang linggong pag ibig.

pasintabi sa mga pinay,di lahat ay ganito,
wag seryosohin,baka ma ay see you (icu)
isipin lang naten lahat tayo'y mga tao,
minsan me mali din sa gawa at sa plano.

sunshiny_f 70F
1221 posts
11/6/2014 9:46 am

dribol dribol shoooot!