Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


chester0310 34M
213 posts
7/20/2013 10:06 am
Pag-ibig ko sa iyo'y di magbabago - Men Oppose


Kaytagal kitang hinanap-hanap,
Hinihintay at pinapangarap;
Ngayong nakita ka'y di ako papayag,
Na sa piling ko'y mawalay pa.

Bawat naisin mo'y ibibigay sa iyo,
Lahat ng gusto mo ay susundin ko;
Huwag sanang magbabago,
Puso't isipan ko'y para lang sa iyo.

Pag-ibig ko sa iyo'y di na magbabago,
Habang tumatagal lalong nag-iibayo;
Buong buhay ko'y inaalay sa iyo,
Kapag nawala ka'y wala na rin ako.

Ang akala ko'y ika'y pangarap lamang,
Di makikita at di masisilayan;
Ngayong alam ko na na ikaw ay tunay,
Aking mamahalin at di paluluhain.

Bawat naisin mo'y ibibigay sa iyo,
Lahat ng gusto mo ay susundin ko;
Huwag sanang magbabago,
Puso at isipan ko'y para lang sa iyo.

Pag-ibig ko sa iyo di na magbabago,
Habang tumatagal lalong nag-iibayo;
Buong buhay ko'y iniaalay sa iyo,
Kapag nawala ka'y wala na rin ako.
...kapag nawala ka'y wala na rin ako...


Once in a while, someone comes along to put you on top of the world.