Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


chester0310 34M
213 posts
6/27/2013 1:03 pm
Nag-iisa ka lamang sa puso ko at isipan


Hindi kayang ilarawan ng kahit na sinumang pintor,
Ni habiin sa gunita ng mga dalubhasang manunulat;
Yaring pag-ibig na aking nadarama para sa iyo, sinta,
Sapagkat tanging ako lamang ang makapagpapahayag nito.

Ilang buwan na rin mula nang tayo'y magkakilala,
Kay ligaya ko dahil kausap kita palagi, aking irog;
Tinig mong kay lambing, tunog ng iyong mga halakhak,
Musika sa aking pandinig, o tunay nga na kay palad ko.

Wala na akong mahihiling pa, magandang paraluman,
Masuwerte ako sa pagkakaroon ng mapagmahal na kasintahan;
Maalalahanin, malambing, nasa iyo na lahat ng mga katangian,
Na hanap ng kahit na sinong lalake sa mundong ibabaw.

Ano nga ba ang nagawa upang pagkalooban ako ng isang gaya mo?
Masuwerte ako dahil ako ang napili mo para iyong maging nobyo,
Ang katulad mo ay isang pedestal, isang maamong diyosa,
Na ang alindog at ugali'y di kayang tumbasan ng kayamanan.


Once in a while, someone comes along to put you on top of the world.