Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


theta2011 53F
781 posts
10/5/2011 8:53 pm
2 TULA


PARA SA ATIN

Ito'y subok lamang at may ibig patunayan
Paggamit ng banyagang salita, sa mga hayagan
Nalimutan ba ang turo ni Inang at Tatang?
Ang wikang Pilipino na unang tinuran..

Hindi po pagmamalaki ang nalalaman
Bagkus sumasabay sa agos ng talamitam
Sa mga dunong at gawi ng ibang mga bayan
Ihayag ang galing ng liping pinagmulan..

Maaari kaya nilang maunawaan?
Kung gamitin ang wika ni Pedro at Juan
Di naman ibig sabihi'y ipinagdamutan
Dala dala po sa balintataw at isipan..

Masusukat ba ang pagka Pilipino ko?
Kung hindi ihayag ang loob sa wikang katutubo
Sa akin namang buhay, sa gawa at asal
Isa lang ang uri ng lahi kong taal..


PARA SA KANYA

Paghanga nadama, pagtutok ng mata
Sa gayak at tindig, maamong mukha
Boses na kay tamis ay sumpang halina
Sinsero't taos, tagos sa kaluluwa..

Pero teka, mali yata, ako'y dinadaya
Gustong paglaruan ang simpatiya't laya
Oo nga't ako'y inanod ng kapalaran
At ikaw ang balsang maaari kong kapitan..

Kay bilis mong usalin, pagsintang laan
Sa malas ay mula sa damdaming turan
Datapwa't hungkag pala sa tunay na asam
Pag ibig na huwad, kulang sa inam..


Huwag namang linlangin, puso kong sugatan
Sa maraming subok, bugbog at luhaan
Hayaang ako ay makasumpong ng tunay
Pagmamahal sa kalagitnaan nitong aking buhay..

Ibigay sa akin ang ngiti ng paalam
Papalaot muli tungo sa kamulatan
Ikaw'y marami rami pang dadaungan
Ako'y nasa huli na ng paroroonan..

ambrosia 54F

10/6/2011 11:09 pm

agree sis... bakit nga ba kailang magpakanose bleed sa pag english kung maiintindihan din naman nila ang tagalog.. parepareho naman tayong pinoy kaya di nakakhiya kung magtagalog...


theta2011 53F
1917 posts
10/7/2011 5:54 am

    Quoting ambrosia:
    agree sis... bakit nga ba kailang magpakanose bleed sa pag english kung maiintindihan din naman nila ang tagalog.. parepareho naman tayong pinoy kaya di nakakhiya kung magtagalog...
Sis, salamat sa iyong pagdalaw..lamang, paano na ang ating mga kaibigang di aral sa ating wika? Masumpungan kaya nila ang kakayahan nating mga Pinoy?


vin2525 47M

10/9/2011 10:33 pm

Ayos po yung tula panalong panalo. Naalala ko tuloy yung makata si Francisco Balagtas. Ikaw po ba gumawa ng tula? Bihira na lang mga taong ganyan ngayon na gumagawa ng tula. Saludo po ako sayo.


theta2011 53F
1917 posts
10/14/2011 5:35 am

    Quoting vin2525:
    Ayos po yung tula panalong panalo. Naalala ko tuloy yung makata si Francisco Balagtas. Ikaw po ba gumawa ng tula? Bihira na lang mga taong ganyan ngayon na gumagawa ng tula. Saludo po ako sayo.
Salamat po...Ang abang lingkod po ninyo na kababayan ni Balagtas, mula sa lupain ng magigiting na bayani, makata at magagandang dilag - Bulacan..Pang Miss Universe noh?