Reset Password
Reset Link Sent
Blogs > godiva0824 > The Passionate Blogger |
Kung Maibabalik Ko Lang.... Bawat sulyap na gawin ko, Sa nakalipas na yugto ng mga kuro-kuro rito, Taglay ang lungkot at pighati Sa kahapong puro ligaya ang namayani. Isa-isa silang nawala, naglaho na parang bula, Iniwan nila'y lumalabong bakas, Na sa ating diwa, ayaw nating magwakas. Narito ako, nagsisikap na muling maitayo, Matayog na samahang, biglang gumuho. Sakali mang may bumalik, upang panitikan ay muling humitik Mahigpit na yakap ang naghihintay, Pananabik ay maiibsan, mga ngiti muling masisilayan... |
|||
|
Anong nangyari dito? I already saw it 10 minutes after this was created, and then biglang nawala sa "bill board"... Next thing I know, me sumunod...
| ||
|
Elx, naging abala ako nitong nakaraang ilang linggo. Ni inde ko na nasundan yung isang sinulat mo. Sa kabila ng lahat, hayaan mo na sabihin ko ang pagunawa ko sa bagay na to. Tama ba na nais mong magbalik ang dating tamis na samahan nyo na lumipas dahil sa hindi pagkakaunawaan? Sana nga ay magbalik dahil ikaw ay isang dilag na dapat mas lumigaya kesa sa ngayong kaligayahan mo. Hangad ko na matagpuan mo ulit sino man siya. Sumakit ulo ka sa pagiisip dito I'm a senior citizen . Don't expect me to remember anything
| ||
|
Elx, naging abala ako nitong nakaraang ilang linggo. Ni inde ko na nasundan yung isang sinulat mo. Sa kabila ng lahat, hayaan mo na sabihin ko ang pagunawa ko sa bagay na to. Tama ba na nais mong magbalik ang dating tamis na samahan nyo na lumipas dahil sa hindi pagkakaunawaan? Sana nga ay magbalik dahil ikaw ay isang dilag na dapat mas lumigaya kesa sa ngayong kaligayahan mo. Hangad ko na matagpuan mo ulit sino man siya. Sumakit ulo ka sa pagiisip dito
| ||
|
Wow! Shaquie! Purihin ka, IDOL! Mahusay!
| ||
|
Heto, nilalangaw ang likhang Pinoy dito
| ||
|
Tayo talagang mga Pinoy, mas gugustuhin pang mag Ingles na baluktot kesa mag Tagalog ng tuwid
| ||
|
Bert! Bakit ba pag Tagalog, nagagaril ang mga Pinoy dito...hindi kasabihan ni Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda." Ano ba naman? inde sinagot ang tanong ko? :P I'm a senior citizen . Don't expect me to remember anything
| ||
|
Ano ba naman? inde sinagot ang tanong ko?
| ||
|
Paumanhin sa mga letrang nadagdag, mabilis da kasi akong pumindot...nyahahahahhaha!
| ||
|
Hahahahaha! si Shaq, ginawa akong "katutubo".. dapat pala, mag suot ako ng katulad ng mga IBANEG...(hagalpak ng tawa as in lolz.. )
| ||
|
Nyahahhaha! I think si fantasiamore at si Tinkz ang dapat mong kausapin...Dehins ako nakakaintindi niyan..Amerikana akesh, hindi CANA...lolz...Sa "Pisting Yawa" gid ako nanggaling
| ||
6/1/2013 12:30 pm |
Tayo talagang mga Pinoy, mas gugustuhin pang mag Ingles na baluktot kesa mag Tagalog ng tuwid My will is unbreakable. Simply put, I cannot be broken - Enrique
| ||
|
Anak nang pating, kung managalog ako para akong lasing na aso ah...mas mabuti pa na stick ako sa ingles, for all of our sakes
| ||
|
Joolz, anong nangyari sa original na post/comment mo? why are you quoting yourself?
| ||
|
Sa iyong tinuran Marzie, sa totoo lang, hindi ko naman sa "mama" idini-dedicate ang blog na ito...Hindi naman kami magkaaway, at hindi na rin siguro magkaibigan.....Hindi ko alam..pero ito ay patungkol sa mga umalis dito sa FFF na naging bahagi ng buhay ko...O sige na nga..isama mo na siya...
| ||
|
Ahhhh! ayokong gawin ang isang bagay na tunay na mahalaga "sana", pero, ayaw kong mapagbintangang "chaser" ng mga umalis...
| ||
|
wasus! FFF talaga oo! Ngayon lang lumitaw sa screen ko ito Marzie.. sensya na...
| ||
|
Sang ayon ako sa iyong tinuran, kaibigan...
| ||
|
Hahahahahahaah! pindot dito, pindot doon...
| ||
|
Hi Leo! Salamat sa iyong tinuran, pero nais ko lang linawin sa mga mambabasa, na ako'y "buhay" pa although "anghel" akong iyong naturingan.. Salamat kaibigan
| ||
6/4/2013 5:12 pm |
Kung hindi tunay ang pagmamahal, ok sa akin na lilipad yang bula. Sayang lang ang oras ko nagiisip ng walang kwenta. Buti na lang marami pang gagawin sa buhay. May pagasa pa rin na makahanap ng ibang mahusay ang kasamahan. aruy....
| ||
|
Marzie, now ko lang ito na see... Honga naman, bakit kayong lahat ay nagsipaglisan? Kaya tuloy,libingan ang dito'y kinahinatnan Bloglandia ay sakbibi ng kalungkutan..
| ||
|
Kung hindi tunay ang pagmamahal, ok sa akin na lilipad yang bula. Sayang lang ang oras ko nagiisip ng walang kwenta. Buti na lang marami pang gagawin sa buhay. May pagasa pa rin na makahanap ng ibang mahusay ang kasamahan. aruy....
| ||
|
Pero Marzie, may kasabihan, there are two sides of the story. Minsan kailangan bukas ang ating mga mata, Kung me usok daw ay may sunog, eheste, me apoy Bakit ang daming chizmax na dito ay isinasaboy?
| ||
|
Ano na ba kasi ang silbi ng iyong Maximum peel? Di ba nga't pisngi mo ay rosas, aking feel na feel Konting ngiti sa iyong mga labi Fink na fink ang kulay ng iyong pisngi (sa itaas lang marzie ha? ewan ko ang pisngi sa ibaba)
|
×
×