LAGABLAB NG NAG-AALSANG DAMDAMIN
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
4/7/2007 2:06 am |
Lumalagaslas ang batis at kapwa tayo nagtatampisaw, Sa walang hanggang kaligayahang dulot ng pag-ibig; Pagsaluhan natin, giliw ko, anumang nadarama natin, Tayong dalawa lamang sa ating mundong ginagalawan. Hahagkan kita ng walang patumangga ni pagmamaliw, Ibubulong ko sa iyo pagmamahal ko sa iyo na dalisay; Isisigaw ng puso ko kung gaano ka kamahal sa akin, Wagas at tapat ang iniaalay kong pagsuyo sa iyo, MJ.... Halina at damhin mo maiinit na yakap ko sa iyo at halik, Mga labi ko'y gumagapang sa iyong kabuuan, aking mahal; Pagsanibin natin, pag-isahin katawan nating nananabik, Idaiti sa isa't isa, pangarap kong maangkin ka nang lubusan. Hindi maipaliwanag na ligaya, hindi mailarawang saya, Init at lagablab ng pagsuyong sa iyo ko lamang natagpuan; Totoong nabibighani ako sa taglay mong alindog, minumuyang paraluman, Ikaw lamang ang tanging nakapagpaalis ng nadarama kong uhaw. Iibigin kita ng buong puso, aangkinin ng walang hanggan, Mamahalin kita magpakailanman at idadambana sa tuwina; Hahagkan kita at yayakapin, sisisirin ng buong pag-ibig, Ipapadama ko sa iyo ang init, ang lagablab ng nag-aalsa kong damdamin! - SALLIE |
||
4/7/2007 12:00 pm |
Parang nanonood ako ng x-rated, LOL. Okay kang pipili.
|
| Become a member to comment on this blog | ||
|