The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > lickquid > Moonlight Sonata > LoVe nGa NaMaN..

LoVe nGa NaMaN..  

5/29/2007 2:39 pm

Last Read:
10/16/2007 1:28 am

Nakakatawa talaga ang love..
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang.

Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati
"Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi loud ang standing niya,
pero dumating ang panahon,
na-in-love din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngayon.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.
(At tumitigas din ang mga bagay na
madalas nama'y malambot.)

Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumadating siya
sa mga taong ayaw na talaga magmahal.
Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,
sabihin mo lang ang magic words na
"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA!
Ayan na siya. Nang-aasar.
Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating
sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?
Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan,
parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo
dun sa namomroblemang tao?
Naiisip mong wala namang mali
dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!"
"Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay.
Now na!"

At hindi lang 'yon..
Ang sarap din pagtawanan ng mga taong
alam naman nilang masasaktan lang sila
eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila,
siyempre hindi sila yung may kasalanan.
Siya!

"Bakit niya 'ko sinaktan?"
May kasama pang pagsuntok sa pader yon,
at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na nakakatawa
'pag pag-ibig na ang pinag-usapan.
Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong
kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat
ay ang katotohanang kapag
gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo
dahil siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak..



Farewell! God knows when we shall meet again.
luv_a_fair
3384 posts 

5/29/2007 8:14 pm



color my world with

bulongs22
563 posts 

5/30/2007 2:52 am

hmmm... thatz life bro..

never regret what you did only regret what you never did...

_ornate_
75 posts 

5/30/2007 6:54 am

ey thuz sooo sweet en sobrah ganda...my sense...i lyke it...mybe yah cn du me a fvor....wryt sumtin botw long dstnce realtionship...kai lng bah? cuz yah knoe wut...tagl n kong nghahanp ng poemz n ang topic un nga..bowt long dstnce rel..en ndi ko xe kaya gmwa ng srili kong poem ehh..can yah help meehh?!..plz?.....hola bak ayte..tenx!

megz001
168 posts 

5/30/2007 6:59 am

kapag nagmahal ka na, lahat ng alam mo, nakakalimutan mo; lahat ng natutunan mo, hindi mo na alam...idol stay cool..okey?

sunshine8
6251 posts 

5/30/2007 8:35 am

alam mo...sapul na sapul ah....at totoo lahat....okey ito....naku ang pag-ibig nga naman!

thanks for dropping and commenting on my blog ha!

_ngepo_

5/30/2007 11:41 pm

hay pag ibig nga naman...

"Cherish each hour of this day for it can never return."

ulam
5080 posts 

5/31/2007 5:24 am

lolo loves ... ganyan talga magmahal ... hayzzzzzzzzz

dawn_blitz
69 posts 

5/31/2007 5:58 am

love?? Long ago and far away I found love. Now, years later, that love found me!

Kierra

5/31/2007 9:20 am

Friend korekkkk ka dyan,,bakit nga ba ganyan kung sinong ayaw mo syang nangungulit any way another amazing poem again,,,hayyy buti na lang nakahabol pa pala ako

mia_belle
485 posts 

6/1/2007 3:36 am

hAy na koh!!! ang pagibig nga naman ang naka2pagpabago sa lahat ng bagay!!!
miss you lolo, ingat po lagi..


*It's all said & done, it's real, and it's been fun.*

dream_fairy
50 posts 

6/1/2007 3:47 am

very nice ah.... maraming nakaka-relate and im one of them...ganyan lang cguro ang tao pag inlove..syempre inspired din...

dvyn2
21 posts 

6/1/2007 8:52 am

Very nice bro, true talaga, ganun nga siguro, galing mo talagang sapul...Well, reality speaks, nasa atin na lang kung paano dalhin ang bawat hinaing...Tnx bro~

sun_set
61 posts 

6/1/2007 3:14 pm

Pag-ibig...corny 'no?
Sabi sa diyaryo..."ginahasa sa tindi ng pagmamahal!!!"
Minsan..."Gumahasa sa tindi ng pag-ibig"
Pero, ewan ko, wala pa akong nabasa na
"Nagpagahasa dahil sa pag-ibig.."
nice one, bro..

MiAmor2007
977 posts 

6/1/2007 8:10 pm

you did it again,tama ka sapagkat sa ngayon ay nangyayari sa akin ang lahat na sinulat mo

Life is all about hope for better days tomorrow.

_Darkangel1_

6/2/2007 2:52 am



"Enjoy life while your'e still young."

yukka
152 posts 

6/2/2007 9:39 am

Knowing that I will have you makes me glad; losing you will surely make me sad. I know you don’t need me bad nor do I want you bad it's just that you are the BEST I ever had...
take care, till we meet again..tnx for being so nice.

_Adorable_
38 posts 

6/2/2007 7:42 pm

Mahirap magsabi ng “SORRY”
Mahirap magsabi ng “MAHAL KITA”
Mahirap magsabi ng “KAILANGAN KITA”
Pero nalaman ko…
Pinakamahirap palang sabihin yung:
“MAHALIN MO NAMAN AKO Ohhh…
pleaseeee…!”..

kakalokah talaga..pagibig nga naman..

_sparkles_
43 posts 

6/2/2007 11:42 pm

porket
kclose
k

mahalaga
ka
sknya

d
proket
hnhnap
ka

namimis
ka nya

d
porket
masaya
sya syo

mahal
ka
nya

gnagawa
lng
nya
un

pra d ka
mgmukhang
tanga
kakamahal
sknya....

mmm SAPUL!!!


ganyan ang pagibig...

gingerlei27
1 post 

6/3/2007 2:29 am


living life is really something..and living life with love, is so weird..u exactly right lei!..i'm like that too b4..i dont believe in love anymore but still hoping ......????? so thankful u invited me, anytime , anyhow dont forget to say "hi" to me my friend

Juicy_fruity
70 posts 

6/3/2007 6:25 am

How can I love again when I can't stop loving the one that hurt me so much?
thank you for being so nice, bro..i enjoyed chatting with you. hope 2 see u once again.

DeadlySweet
49 posts 

6/3/2007 6:54 pm

When you are in love and you get hurt, it’s like a cut... it will heal, but there will always be a scar.

pinaipride
55 posts 

6/3/2007 7:11 pm

Why is it easy to fall in love and yet so hard to be loved back? why should I feel such if destiny permits me not? why do I have to fall if it's you I cant have? why is there a "you" in "me" but never a "me" in "you"? ..ahhhh, lecheng pagibig yan....nice one, indeed!!

illusion_angel
60 posts 

6/3/2007 7:33 pm

Love is just a system for getting someone to call you darling after S-E-X!!

TearyDropS
48 posts 

6/3/2007 8:33 pm

Pagibig? Oo, marunong ako noon, yon bang tipong tanga ka na sige ka pa rin kasi mahal mo siyang talaga, pero sa bandang huli itatanong mo tanga ba talaga ako o mahal lang talaga kita?

impaktaako9
11 posts 

6/3/2007 10:41 pm

:

Fresh_geaR
114 posts 

6/4/2007 2:42 am

nice..... promise its soooo nize...musta na bro..

stigma
93 posts 

6/4/2007 3:51 am

Love is the answer, but while you're waiting for the answer, s3x raises some pretty good questions...

CreamyShake
82 posts 

6/4/2007 3:48 pm

sang araw.. parang mahal mo ko..
sang araw, endi mo na ko pinapansin..
at parang wala lang ako sau..
cnabi mo mahal mo ko nung sang araw..
sabay sang araw, sabi mo...
"uy.. loko lang un ah.. baka seryosohin mo"..

o_pilya

6/4/2007 5:58 pm

true love is a treasure so rare only a few are fortunate enough to experience it.....dapat inaalagaan iyon, dapat pinayayaman.

Kierra

6/4/2007 9:16 pm

yup,,pag-ibig nga naman just a word but so powerful it can ruin your whole life and dreams,,,but it can be a medicine too to the dying heart,,,,
hello there Friend I can't go without saying goodbye to you,,,,i can't tell when we gonna meet again here but i wanted to thank you for the always visiting my blog,,,have a nice blogging Friend and take care always,,,,

BacK_SlasH
77 posts 

6/5/2007 6:52 am

d-a-m-n it!!! ang gulo n ng layf ko grounded p s bahay........ kakainish n talagah....... wala n akong magawa.........
..kung mamatay rin lang ako bukas bat hindi p ngaun????? pagibig!!! masdan ang ginawa mo!!!

MiAmor2007
977 posts 

6/5/2007 7:35 am

puede ba na turuan mo ako na huwag masaktan tanga kasi ako pagdating sa love, wala na okey ba?
bulag na bingi pa
joke lang ito

Life is all about hope for better days tomorrow.

MiAmor2007
977 posts 

6/5/2007 7:37 am

puede ba na turuan mo ako na huwag masaktan tanga kasi ako pagdating sa love, wala na, okey ba?
bulag na bingi pa
joke lang ito

Life is all about hope for better days tomorrow.

lickquid
3168 posts 

6/5/2007 3:26 pm

    Quoting Kierra:
    yup,,pag-ibig nga naman just a word but so powerful it can ruin your whole life and dreams,,,but it can be a medicine too to the dying heart,,,,
    hello there Friend I can't go without saying goodbye to you,,,,i can't tell when we gonna meet again here but i wanted to thank you for the always visiting my blog,,,have a nice blogging Friend and take care always,,,,
Memories last forever, never do they die. Friends stay together, never say goodbye.
take care, my friend..till then..,
I knew that forever was in your eyes the moment I saw you smile.


Farewell! God knows when we shall meet again.

MiAmor2007
977 posts 

6/7/2007 12:23 am

pagibig,bulag na tanga pa
bakit? alam mo nang niloloko ka na sige pa rin

Life is all about hope for better days tomorrow.

missbluesky
51 posts 

6/8/2007 9:25 pm

pagngamahal ka u need to sucrifice everything

p1n4y_c4n4d4

6/9/2007 7:33 pm

lols that was funny

it reminds me of this quote... Marriage: an expensive way to get your laundry done for free.

Lora833
4372 posts 

6/10/2007 11:25 am

hmmmmm just checking

Jeff0
61 posts 

6/23/2007 10:52 am

    Quoting TearyDropS:
    Pagibig? Oo, marunong ako noon, yon bang tipong tanga ka na sige ka pa rin kasi mahal mo siyang talaga, pero sa bandang huli itatanong mo tanga ba talaga ako o mahal lang talaga kita?

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig

Jeff0
61 posts 

6/23/2007 10:54 am

    Quoting sun_set:
    Pag-ibig...corny 'no?
    Sabi sa diyaryo..."ginahasa sa tindi ng pagmamahal!!!"
    Minsan..."Gumahasa sa tindi ng pag-ibig"
    Pero, ewan ko, wala pa akong nabasa na
    "Nagpagahasa dahil sa pag-ibig.."
    nice one, bro..

he!he!he!

Jeff0
61 posts 

6/23/2007 10:56 am

    Quoting MiAmor2007:
    pagibig,bulag na tanga pa
    bakit? alam mo nang niloloko ka na sige pa rin
Agree po ako diyan

MiAmor2007
977 posts 

6/25/2007 6:14 am

happy happy birthday, sayo ang inumin sayo ang pulutan
sanay malasing mo kami
okey ba friend?though your b-day is tomorrow im sending you this now para maka-prepare ka
joke joke joke. may your wish comes true

Life is all about hope for better days tomorrow.

MiAmor2007
977 posts 

6/25/2007 5:07 pm

today is your b-day
happy happy happy birthday saiyo ang inumin saiyo ang pulutan
happy happy birthday sanay malasing mo sila
okey ba friend?

Life is all about hope for better days tomorrow.

Become a member to comment on this blog