Reset Password
Reset Link Sent
Blogs > eb1209 > THE MANY FACETS OF ME |
Kaibigan "KAIBIGAN" Parang kailan lang, ako'y nag-iisa, Ang buhay ko'y balot ng siphayo't pagdurusa. Subali't kapagdaka, ikaw'y dumating; Upang dinggin ang aking mga hinaing. Mundo'y biglang nagbago ang anyo at kulay, Araw at gabi, ngayo'y di na matamlay. Ngayon, muling sumilay sa aking mga labi; Tamis ng ngiting, kay tagal ding nasakbibi. Sana'y huwag magwakas, damdaming kay wagas, Kahit bilang kaibigan, tayo'y magka-angkas. Tanging panahon lamang ang makakapagsabi; Kung may uusbong' damdaming hindi makasarili. Saan kaya hahantung, ang aking mga sumbong? Di ka kaya mawala, na parang isang bula? Di ka kaya mapagod, sa iyong pagtataguyod? Di ka kaya manghinawa, kapalit ng isang wala? Halina't damhin, ang aking paglalambing, Sa iyong mga balikat, nais kong mahimbing. Salamat sa panahong iyong ini-alay; Bilang kaibigan, wala kang kapantay. ***original composition by:eb1209 03/13/06*** |
|||
12/26/2006 1:30 pm |
thanks Ed for posting here..they need you to post at PLF too. Please meet my "family" there. Sunshine is also from Laguna, not sure if it is San Pablo though..But it is very nice and entertaining group who are really educated and well-mannered..
|
×
×