Reset Password
Reset Link Sent
Blogs > eb1209 > THE MANY FACETS OF ME |
Buhay Pag-Ibig Nga Naman! Nakakaloka ba? Pag-ibig na sana, naunsiyami pa! ...Kaytagal mong tinutukan, kaytagal mong tinitigan, kaytagal mong inasam, iningatan, pinagpaguran, pinagpantasyahan, pinangarap na pakasalan sa lahat ng simbahan...Pero anong nangyari? Bakit sa ibang kandungan, siya ay nauwi? Saan ka ba kasi nagkulang? Ah! da kasi, ikaw ay hanggang ligaw-tingin lamang Hayan tuloy ang kinahinatnan, napagod ang pobre sa kahihintay, maski mga kamay niya, mahawakan mo man lang.. Kaya sa uulitin, mangyari, damdamin ay huwag sisikilin. Pag mahal mo, ipakita ng todo-todo. Hindi pwede ang urong-sulong na ginawa mo. Hindi ko naman ipinapayong ikaw ay maging presko, pero pakiusap, huwag namang hintaying magunaw ang mundo, bago ligawan ang iniirog mo! |
|||
10/22/2012 11:10 pm |
AYOS BA? Hindi kasi ako makatulog eh..Testing One, Two, Three na lang ulit ako sa Tagalog blog...
| ||
10/22/2012 11:35 pm |
CONGRATULATIONS, FFF! You finally approved my Tagalog blog! Kudos!
| ||
10/23/2012 12:41 am |
Yung iba kasi hindi mo alam kung torpe or takot, walang pakiramdam or manhid o kaya takot na mabasted ..anyway magandang parinig to ah? kaso hindi naman nia maintindindihan...
| ||
10/23/2012 3:34 am |
Sadyang nakakaaliw, mabilis pa man din, kaya akoy nagigiliw...
| ||
10/23/2012 3:38 am |
Baliktad yata ang aking naging karanasan, Nung ako'y hinahabol ng laksan-laksan, Pawang ako'y sinasapian, Nang takot at alinlangan. Lahat halos ay iniwasan, Parang me ketong sa kanilang mga katawan
| ||
10/23/2012 3:40 am |
Subali't nang ako'y sadyang handa na, Sa ibang kandungan, sila'y naglipana, Ang dating mahabang pila, Napalitan na lamang ng ISA o DALAWA
| ||
10/23/2012 3:42 am |
At heto pa ang siste, Sa dalawang naging masigasig, ako pa rin ay maarte, Kundangan naman kasi, ang tiyan ay parang butete, Yung isa naman ay parang bulate!
| ||
10/23/2012 3:45 am |
Hindi ko ugaling maging mapag-imbot, Dahil sa totoo lang, ako'y nayayamot, Kapintasan hindi ko alintana, Kung sana naman mas naging maayon ang tadhana.
| ||
10/23/2012 3:46 am |
Baliktad yata ang aking naging karanasan, Nung ako'y hinahabol ng laksan-laksan, Pawang ako'y sinasapian, Nang takot at alinlangan. Lahat halos ay iniwasan, Parang me ketong sa kanilang mga katawan
| ||
10/23/2012 3:49 am |
OO nga naman, sabi nila ako'y walang karapatan, Na maging mapili sa aking kapalaran, Subali't pwede ko namang tutulan, Kung di rin lang naaayon sa panlasa at pamantayan..
| ||
10/23/2012 3:51 am |
Hindi naman sa panlalait, Maaskad na nga ang hitsura, hindi pa mabait, Animo kung umasta, laging nagmamadali, Para ang puso koy lubusang maitali.
| ||
10/23/2012 3:55 am |
Eka ko naman, ano sila, sinuswerte? Kung hindi rin lang angkop ay di na bale! Hindi naman ako ganun ka DESPERADA, Na basta na lang sa kung sino, ako'y makapag-ASAWA! (toinkz)
| ||
10/23/2012 3:56 am |
Honga eh, na -shocked tuloy ang aking beauty!
| ||
10/23/2012 3:58 am |
Yung iba kasi hindi mo alam kung torpe or takot, walang pakiramdam or manhid o kaya takot na mabasted ..anyway magandang parinig to ah? kaso hindi naman nia maintindindihan... Sobrang nais ko ang iyong tinuran. Katulad ko, ikaw'y nagpapakatotoo lamang, Harinawang pagkamanhid, mawala na ng lubusan.
| ||
10/23/2012 4:02 am |
Oh siya, kung wika natin ay hindi pa sapat, Ay sa Ingles, gawin nating marapat, Pag hindi pa naman maunawaan ng lintik, Ah, eh, kailangan nang ilublob ang puso sa putik!
| ||
10/23/2012 4:05 am |
Hey! Mister! What seems to be your problem? Can't you read and feel, our ladies' every poem? Dedicated to you, each and every rhythm, Why can't you decipher our heart's national anthem? Nyahahahahaha! Hala! naging comedy tuloy itong blog ko!
| ||
10/23/2012 4:07 am |
Weyta minute lang prends, nalilipasan lang yata ako ng gutom...Almusal na muna akesh!
| ||
|
Elz, Galing they approved already. I think when it's all about love approve. Pero, about love showing and all, minsan hindi rin appreciate nila. Di ba... Greatest feelings in the world when two souls profess a love for each other...
| ||
10/23/2012 2:34 pm |
Elz, Galing they approved already. I think when it's all about love approve. Pero, about love showing and all, minsan hindi rin appreciate nila. Di ba...
| ||
10/23/2012 2:36 pm |
Hoy! Matalik kong kaibigan! Nahirang mong irog ka diyan! Pagasa hindi ako nilisan Pero ang nilaga, walang pagsasaluhan!
| ||
10/23/2012 2:39 pm |
Lubha ka kasing nagmadali, Kaya sa "titik" ika'y nagkamali Tunay ngang ikaw'y masaya, Dahil pag-uwi sa Pinas, nalalapit na!
| ||
10/23/2012 2:41 pm |
Binibining Bubble gum, (chicklette)ang iyung tinuran ay kay inam. Nagagalak akong ikaw ay kinikilig Sa naghandog sa iyo ng pag-ibig
| ||
10/23/2012 7:35 pm |
Hala! maraming nagsusulputang posts from Jane...Now lang lumabas...FFF talaga, OO!
| ||
10/23/2012 7:38 pm |
Hindi naman ako nagpapakipot, Sadyang damdamin ko'y parang kuripot, Kahit man lang konting pagtingin, Madalang pa sa patak ng ulan man din.
| ||
10/23/2012 7:41 pm |
Wika nila, kung nauukol ay bubukol, Pero bakit ang dumarating ay mga tukmol? Sigurista pang mga naturingan, Interesado sa aking yamang wala naman!
|
×
×