Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


ayakennady 37F
36 posts
1/26/2006 12:03 am

Last Read:
8/25/2006 7:16 pm

"LIAR"


"HINDI KO NA SYA MAHAL ( HINDI KO SYA
MAHAL )"


Naranasan mo na bang magsabi nyan???
Kung OO ang sagot mo, pwes! alam mo ba na out of
10 people na nagsabi nyan 5 ang nagsasabi ng
totoo?? yes! meaning 5 ang sinungaling!


Kc, minsan maraming dahilan kung bakit nasasabi yan...

iSiPin MO ito..

Nasasabi ang linyang yan sa mga sitwasyon gaya ng...

NAGUGULUHAN = ito ung mga taong nasa isang
relasyon pagkatapos eh
may iba pang mahal na iba...
kailangan nilang mapaniwala ang sarili na hindi
na nila mahal ung isa para, mahalin
naman ung isa pa.
( HALIMBAWA: im sori may iba na
kong mahal, HINDI NA KITA MAHAL )
pero echos! ang totoo di ka naman syur kung sino
pa talaga sa kanila ang matimbang... gets mo?
(kung hindi kawawa ka naman...=)


MASAMA ANG LOOB = eto naman ung mga taong
katatapos lang hiwalayan o nagawan ng di maganda
sa isang relasyon.
(HALIMBAWA: bakit nya nagawa
sakin toh! HINDI KO NA SYA MAHAL!)
pero ay naku dala lng yan ng sama ng loob mo...
sige hinga ng malalim...
tulog ng mahimbing...
pag gising mo bukas
naku...sya na naman ang
naalala mo...(miz mo noh? =)


BASTED = as in ayaw nya daw sayo...
PARE OKEI KA LANG?
(SAGOT: okei lng ako pre, wala na un hindi
ko na rin sya mahal) uyyy pa-macho epek...
SISTER OKEI KA LNG?
SAGOT: yuh im okei, as in hindi ko
na sya mahal noh?!) ows? go gurl!


LIHIM NA PAG-IBIG = eto naman ung mga taong ayaw
ipaalam sa kanilang minamahal ang totoo, para
lang mapagtakpan ang nararamdaman nila, lalo
na't binubuking na sila...
(HALIMBAWA: Hindi ko sya mahal ah,
friend lang ang turing ko sa kanya.)
ay naku! yan din sinabi ni jolina kay marvin!


PA - I WILL SURVIVE epek = eto ang mga taong gusto
ng kumawala sa hawla ng alala ng taong
minamahal...
(HALIMBAWA: pagod na ko..from now on,
kakalimutan ko na sya, hindi ko na sya mahal
smart na ko ngayon, i will survive!)...
hehe sino ka? si kris aquino??


TAAS NG PRIDE = eto ung mga taong di nila maamin
sa sarili nila na mahal nila ang isang person
kc nga malayo sa standard nila ung gurl/guy or
lets say may ibang dahilan..pero nainlab sila.
(HALIMBAWA: yun? hindi ko sya mahal noh.
ako pa kilala nyo ko)
sabay Naka cross ang mga fingers
ng kanilang hands and feet!


TAKOT = eto
ung mga taong dahil ilang beses na
nasaktan sa larangan ng pag ibig, eh ayaw ng
magmahal kahit na mahal naman talga nila ang
isang taong nagmamahal sa kanila...
(HALIMBAWA: ayaw ko ng masaktan ulit...
hindi kita mahal.) ..o tapos? hehe


PAGHIHIGANTI = eto naman ung mga taong binabalikan
matapos ng hiwalayan...
syempre sobra nga naman sila nasaktan kaya
sasabihan nya ng
"MASYADO AKONG NASAKTAN SA MGA NANGYARI, HIND
NA KITA MAHAL" ...o loko bagay sayo!


maraming dahilan, maraming
paraan para sabihin natin ito...
pero sana, sa susunod na sabihin mo sa kanyang
hindi mo na sya mahal... eh ung totoo na.


Yung kaya mo na,
yung sigurado ka, at un talaga
ang nararamdaman mo...
mahirap na...


Paano kung mawala pa sya?...
Paano kung mahal ka pa talaga nya?...
Paano na kung mahal ka nya...
Paano Kung mahal ka rin nya
at mahal mo pa rin sya.


At sa ibang taong makakaranas naman neto...
pag sinabihan ka ng
HINDI NA KITA MAHAL! / HINDI KITA MAHAL!


chin up! and say...

STYLE MO BULOK! LIARS GO TO HELL NYAHAHAHA!!!