Close Please enter your Username and Password
Reset Password
If you've forgotten your password, you can enter your email address below. An email will then be sent with a link to set up a new password.
Cancel
Reset Link Sent
Password reset link sent to
Check your email and enter the confirmation code:
Don't see the email?
  • Resend Confirmation Link
  • Start Over
Close
If you have any questions, please contact Customer Service


illustrator 63F
292 posts
5/5/2005 11:09 am

Last Read:
3/5/2006 9:28 pm

ang aking kabataan....


Marami na akong nabasa at napanood na drama ng buhay. Kaya nga halos ayaw kong ibahagi ang sa akin dahil pwedeng isiping ito ay kathang isip lamang. Subalit may mga taong naririto sa FFF na makakapagpatunay, na ang aking ilalahad ay ang tunay na ako... maaaring may kulang, ngunit pipilitin kong maisaad ito nang naaayon sa naging daloy ng aking buhay.
Walong taon na ako nang ako ay magsimulang mag aral, sakitin kasi ako nung ako ay bata pa. At hindi tulad ng iba na nagdaan sa nursery at kindergarten, deretso grade one agad ako dahil mahirap lamang kami. Sa murang edad ay nalaman ko ang importansya ng pagkita ng pera, nagbibenta na ako ng tsokolate at candy sa aking mga kaeskwela para may pambili ako ng meryenda. At di tulad ng karaniwang mga bata na nakakapaglaro pagkatapos ng klase, ako naman ay magmamadaling pupunta sa kantinang malapit sa aming paaralan para manguha ng kaning baboy na alaga ng aking ina. Nakikipag unahan ako sa ibang kabataan tuwing walang pasok para makapagtinda ng diyaryo sa umaga at icedrop naman sa hapon. Nairaos ko ang aking elementarya na hindi na ako inaasikaso ng aking mga magulang. Nung graduation nga namin, (kaklase ko si cognac) ako lamang ang may lumang suot na uniform. Sa kabila ng pagkakaroon ko ng medalya, tanging ang ate kong panganay lamang ang dumalo. Ewan ko, pero hindi ko ikinahiya kailanman ang aking pagiging mahirap, ang hinahanap ko at kinasasabikan ay ang pagmamahal ng aking mga magulang na tila ba ipinagkait sa akin. Habang dumadaan ang araw, marami akong katanungan na hindi ko maisatinig, mga katanungang nagpapalito ng aking isip at damdamin. Mga katanungang hindi makahanap ng kasagutan... itutuloy*

serenity101 53F
48 posts
5/6/2005 11:22 am

ATE KO...wow such an amazing story...hintay ko yung ITUTULOY ha, kapana-panabik yan. Ahihihihihihi!!!!You know what ATE, everyone of us experienced a thing called LOVE este HIRAP pala ng buhay. Who doesn't maliban na lang kung talagang haciendero na ang mga ninuno at magulang mo nung ipanganak ka db, db ,db ATE KO???But, we are still fortunate to underwent such experienced in life,for we will never realized how important living in this world without knowing HOW TO FIGHT ANY DIFFICULTIES IN LIFE!!!RIGHT???