The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > el_condor > sa aking paglipad... > PAKIKIBAKA

PAKIKIBAKA  

9/19/2006 6:53 pm

Last Read:
9/19/2006 6:57 pm

PAKIKIBAKA

Makibaka huwag matakot, ibagsak ang dictadora!
Mag-aaral, mangagawa, at dukha, ito ang sigaw,
Dalawamput taong nagpasasa sa kaban ng bayan,
Dapat wakasan ang madugo at mapangaiping rehimen,


Isang pakikibaka, dito’y isinilang,
Iisa ang mithiin ibasak ang diktadora,
Tanikalang gumagapos, kinalag ng mamayan,
Kapayapaan, katarungan at kalayaan muling nakamtan,


Dalawamput taon ang lumipas, wari ko’y hindi nagbago,
Katarungan inasam, pagong kung umusad,
Mithing umunlad, lalong nabaon sa lusak,
Pagpapayaman ang inuna, at naging sakim sa kapangyarihan,


Mga kasama sa pakikibaka, ngayo’y namumuno,
Tinakwil ang adhikain, laban sa dictadora,
Kailan kaya makakamtan, tunay na pag-unlad,
Isang madugong pakikibaka ba! ang nararapat.


el_condor

9-20-06

Become a member to comment on this blog