The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > el_condor > sa aking paglipad... > bagong pag-asa

bagong pag-asa  

12/22/2005 6:52 pm

Last Read:
4/19/2006 5:17 am

bagong pag-asa

Mga bituin ang nagbibigay liwanag sa aking isip,
Mga kuliglig ang tanging musika sa katahimikan,
Sa bawat hampas ng alon, ay parang hinahagupit ang aking puso,
Tanging ang simoy ng hangin, ang kapiling sa kadiliman,

Sa bawat araw na lumipas, ay pawang walang pag-babago,
Hangang dininig, ang aking panalangin,
tayo’y muling nagkita, at ikaw ay nagtapat,
Doon ko naunawaan, mga sagot sa aking mga katanungan,

Anino ng nakaraan, tinapon sa pusod ng karagatan,
Tanikala sa puso ay kusang nalansag,
ginhawa ng kalooban, ay siyang nadarama,
puno ng pag-asa, ang bukas na haharapin…

el condor

12-23-05
cofradia34

12/23/2005 8:21 am

kaibigan,ako'y natutuwang malaman
ikaw pala ngayon ay naliligayahan
ang lahat ng mga hapdi at sakit
biglang napawi,alam ko na kung bakit...

Become a member to comment on this blog