The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > el_condor > sa aking paglipad... > tanong

tanong  

12/16/2005 1:28 am

Last Read:
3/5/2006 9:28 pm

tanong

ngayon ako’y malaya ng lumipad at maglakbay,
nag-iisang hinahanap ang panibagong buhay,
ngunit sa aking pag-iisa, bumabalik ang aking nakaraan,
parang isang aninong sunod ng sunod,

pilit hinahanap ang mga kasagutan,
sa mga tanong na pawang walang kasagutan,
kay hirap iwaksi, kay hirap isipin,
sadyang hapo na ang isip at puso.

kailan ko kaya malalaman,
mga kasagutan, sa aking mga katanungan…

el condor

12-14-05
lotus2005

12/16/2005 3:11 pm

kaibigan, may mga katanungang hindi naghahanap ng kasagutan ... katanungang mabuti pang kalimutan ... panalangin ko sa iyo makahanap ng tunay na kaligayahan!

cofradia34

12/18/2005 3:17 pm

kaibigan,mga tanong sa buhay
kadalasa'y mahiwagang tunay
mga isiping talagang mapaghamon
may kasagutan sa takdang panahon...

Become a member to comment on this blog