The Ultimate in Filipino Online Personals

Blogs > el_condor > sa aking paglipad... > SINGKONG MAHAL

SINGKONG MAHAL  

el_condor
3/23/2009 10:59 pm
Singkong puto, singkong palamig,
Singkong Malayan, sinkong kabayan,
Singkong ice drop, singkong ice candy,
Singkong Philip, singkong juicy fruit,

Limang sentemos o limang mamera sadyang mahal kita,
Uhaw ko’y iyong pinawi,at gutom ko’y iyong inibsan,
Isang pirasong sigarilyo, pamamahinga ko’y naging makulay,
Oh! Singko akin kitang itatago, upang ikaw ay dumami.

Subalit panahon ay nagbago, singkong mahal, nawalan ng halaga,
Ikaw ay pakalat-kalat, at walang gustong magtago,
Pati iyong anyo ay naging katawatawa,
Bigat at kalansing mo’y hindi ko na madama at marinig.

Singko, singko, singko,
kailan kaya babalik ang iyong kasikatan,
Mga batang paslit o pulubi’y hindi ka na kilala.


EL CONDOR
3-24-09

Become a member to comment on this blog